Kinumpirma na ng Philippine Long Distance Telephone Co. (PLDT) ang balitang bibilhin nito ang majority shares ng Digitel Telecommunications Philippines Inc. (DTPI), ang operator ng Sun Cellular.
Ayon sa ulat ng GMA News Online last March 29, 51.5 percent ang balak na kuhanin ng PLDT mula sa DTPI. Matatapos umano ang transaksyon sa second quarter ng 2011.
Ang business tycoon na si Manny Pangilinan ang may-ari ng PLDT. Bukod dito, pag-aari rin ni Pangilinan ang Red Mobile at ang Smart Communications.
Si Pangilinan din ang may-ari ng TV5, at may shares din siya sa Meralco.
Dahil sa pagkakakuha ni Pangilinan sa DTPI, dalawa na lamang ang competitors sa local mobile telecom market: ang PLDT at Globe Telecom.
Samantala, ang pamilya Gokongwei naman ang namamahala ng JG Summit Holdings, Inc., na dating namamahala sa DTPI.
[Ang Summit Media, kasama ang PEP, ay nasa ilalim din ng JG Summit.]
No comments:
Post a Comment